Marami sa atin ang may
problema sa lumalaking bilbil, lalo na pag nagkakaedad. Kung overweight o
kulang sa ehersisyo ay puwede din lumaki ang bilbil. Ano ang ating magagawa
para mapaliit ito?
Heto ang ilang payo para
lumiit ang bilbil:
1. Uminom ng isang basong
tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.
2. Kumain ng mas madalas pero
kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.
3. Bawasan ang pagkain ng
kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.
4. Kumain ng mas mabagal.
Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang
iyong makakain.
5. Mag-ehersisyo ng 3
hanggang 4 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos
hanggang isang oras.
6. Palakasin ang masel sa
tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach
crunches. (nasa photo)
7. Magkaroon ng tamang tindig
(posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.
8. Umiwas sa matatamis na
inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag
sa laki ng bilbil.
9. Kumain ng almusal
araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng
tanghalian at mapaparami ang iyong makakain.
10. Bawasan ang pag-inom ng
alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil.
11. Bawasan ang pagkain ng
maaalat. Ang asin at alat ay
nagdudulot ng pagmamanas ng
katawan.
12. Kumain ng 2 tasang gulay
at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.
13. Maglakad ng madalas at
umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.
14. Bawasan ang stress at
matulog ng sapat.
15. Maging masipag. Ituloy
lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang
bilbil.
Note:
1. Hindi nakatataba ang
tubig, malamig man o mainit. Zero calories ang tubig. Hindi tunay na nakalalaki
iyan ng bilbil.
2. Pag tayo ay nagkakaedad
(lampas 30-40 years old), mas lumalaki talaga ang bilbil dahil bumabagal ang ating
metabolism. Sa mga mas bata, kahit kumain sila ng marami ay hindi gaano
tumataba dahil mas aktibo sila at mabilis pa ang kanilang metabolism.
3. Hindi nakatataba ang
tulog. Puwede matulog sa hapon o sa gabi. Ang nakatataba ay ang pagkain ng
sobra.
4. Sa mga bagong panganak o
bagong CS, magtanong muna sa inyong OB-gyne kung puwede na kayo mag exercise.
Ang OB-gyne po magsasabi kung matibay na ang tahi ng CS.
✓ REKOMENDASYON: Makakatulong ang pag-inom ng AFA-VitaLife, 2
times a day at regular na pag-inom nito. Subukan at malaman ang magandang
epekto ng AFA sa katawan naten.
How to Order AFA Healthy
Drinks/Beverages (Pricelist and Shipping)? >> http://bit.ly/PriceListAndShipment
Karagdagang impormasyon tungkol
sa AFA:
ORDER NOW! Contact
+63908-7391-784 for more details.
No comments:
Post a Comment