Wednesday, May 6, 2015

MASAKIT ANG LIKOD: ANONG GAGAWIN? (Share this to help others)


Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Kung ika’y sobra sa timbang, may problema sa likod (tulad ng Scoliosis), o hindi nag-eehersisyo, mas maaga mo itong mararamdaman.

Bakit sumasakit ang likod?

Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay ang muscle strain o sprain, o iyung sakit ng kalamnan. Para bang na-pilay ang likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa sa masel sa likod dahil sa mga sumusunod:
1. maling posisyon sa pagtulog
2. maling pag-upo (naka-kuba)
3. maling pagbubuhat (nakayuko kung magbuhat) o nagbuhat ng sobrang bigat
4. sobra sa timbang,
5. pagka-edad (arthritis).

Ano ang gagawin?

1. Kung ika’y sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Hindi kasi kaya ng likod mo ang bigat ng iyong tiyan!

2. Mag-ehersisyo kapag pawala na ang sakit sa likod. Napakahalaga ng ehersisyo.

3. Palakasin ang masel sa ating likod. Mag-ehersisyo ng katamtaman lang. Puwedeng gumamit ng mga kaunting pabigat (weights). Kapag lumakas ang masel ng ating katawan, hindi na sasakit ang ating likod.

4. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat. Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para maiangat ang dinadala. Panatilihing deretso ang likod. Huwag yumuko para magbuhat. Mali iyan!

5. Umupo ng deretso ang likod. Maglagay ng suporta (maliit na unan) sa ating upuan para laging naka-straight ang ating likod.

6. Huwag maglakad o umu­po nang matagal. Mapapagod ang ating likod kapag nakapirmi sa isang puwesto. Ang pinakama­ganda sa likod ay ang paghiga sa kama.

7. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Huwag ‘yung sobrang lam­ bot na lumulundo ang iyong likod. At huwag din matulog sa papag dahil so­brang tigas ito.

8. Matulog ng naka-“s” ang katawan. Humiga ng pa­­tihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Mag­la­gay pa ng isang unan sa ila­ lim ng tuhod para nakataas ito. Mas komportable sa likod ang nakabaluktot ang tuhod.

9. Kung nakatagilid kang matulog, maglagay ng unan sa pagitan ng iyong hita. Ito ay para huwag bumaluktot masyado ang ating hita at mapuwersa ang likod.

10. Puwedeng lagyan ng medyo mainit na bagay sa ating likod (hot bag na binalot sa tuwalya). Gawin ito ng 15 minutes lamang at huwag sobrahan. Baka mapaso din ang likod.

11. Puwedeng kumonsulta sa physical therapist. Sila ay nagtuturo ng stretching exercises at iba pang exercise para sa back pain.

12. Para sa akin makatutulong din ang masahe ng myotherapist or massage therapist. Pero soft massage lang o yung dahan-dahan lang para lumuwag ang masel.

REKOMENDASYON: Makakatulong upang makapag-bawas ng timbang at magpa-tibay ng ating buto sa likod ang pag-inom ng AFA-VitaLife at AFA-VitaLeaf (2 times a day) at regular na pag-inom nito. Subukan at malaman ang magandang epekto ng AFA sa kalusugan at katawan natin.


Mag-send ng message kung paano ka makaka-order ng AFA-VitaLife at AFA-VitaLeaf.

How to Order AFA Healthy Drinks/Beverages (Pricelist and Shipping)? --> http://bit.ly/PriceListAndShipment

Karagdagang impormasyon tungkol sa AFA:
The Complete Food Supplement You Need (Aphanizomenon Flos-Aquae) AFA --> http://bit.ly/AFASuperFood

ORDER NOW! Contact +63908-7391-784 for more details.

No comments:

Post a Comment