MARAMING tao ang may dry
cough na lampas na sa tatlong linggo. Heto ang mga pangkaraniwang pinagmumulan
ng tuyong ubo:
1. Paninigarilyo – Ang
sigarilyo pa rin ang pinakamadalas na dahilan ng matagalang pag-uubo. Huminto
sa paninigarilyo at umiwas sa lugar na mausok.
2. Asthma cough-variant --
May isang klaseng hika na pag-uubo lang ang sintomas. Walang huni (or wheezing)
ang maririnig sa baga. Ang kondisyong ito ay napapalala ng malamig na hangin,
polusyon, usok, pabango at mga pollen (seeds) ng mga halaman. Para magamot ito,
mga tableta at inhaler ang ibinibigay ng doktor. Umiwas sa mga bagay na
nagpapalala ng hika.
3. Post-nasal drip mula sa
allergies – Ito ang pagtulo ng sipon mula sa ilong patungo sa likod ng
lalamunan. Dahil dito, kumakati at naiirita ang lalamunan at kailangan itong
iubo. Maraming dahilan ang post-nasal drip tulad ng allergic rhinitis, chronic
sinusitis at nasal polyp. Nagbibigay ang mga doktor ng mga tableta para sa
allergy, mga nasal sprays at minsan ay antibiotics din.
4. Gastroesophageal reflux
disease (GERD) – Ang sakit na ito ay dulot ng pag-akyat ng asido ng tiyan
(stomach acid) mula sa tiyan pataas sa esophagus (ang daanan ng pagkain mula sa
lalamunan patungo sa tiyan). Dahil sa asidong ito, naiirita ang esophagus at
napapaubo ang pasyente. May gamot na ibinibigay para mabawasan ang asido sa
tiyan. Bawal din ang biglang paghiga pagkatapos kumain. Tumayo muna at
maglakad. Makatutulong din kung hindi tayo magpapakabusog at luwagan din ang
sinturon para hindi maipit ang tiyan.
5. Side effects ng gamot –
May mga gamot sa altapresyon tulad ng Ace-inhibitors na puwedeng magdulot ng
pag-uubo sa 10% ng pasyente. Ito ay ang mga gamot na enalapril, captopril at
lisinopril. Itanong muna sa doktor kung kailangang palitan ang iyong gamot.
6. Pulmonya o bronchitis –
Siyempre, puwede rin magdulot ng pag-uubo ang mga impeksyon sa baga.
Antibiotics ang gamot dito.
7. Post-infectious cough –
Minsan, pagkatapos guma-ling mula sa trangkaso o viral infection, may naiiwan
pa ring pag-uubo. Ito’y dahil naiirita o “nagsugat” ang baga sa dating
impeksyon. Binibigyan sila ng cough suppressants.
Bukod sa mga nabanggit kong
sakit, mayroon ding ibang mga posibilidad tulad ng tuberculosis, kanser sa baga
at iba pang mga sakit ng baga. Para makasiguro, kumunsulta sa iyong Doktor.
✓ PAALALA: Makakatulong ang pag-inom ng AFA-VitaBrew 2 times a
day at regular na pag-inom nito.
Subukan ang magandang epekto ng AFA sa katawan natin.
Subukan ang magandang epekto ng AFA sa katawan natin.
Mag-send ng message kung paano ka
makaka-order ng AFA-Vitabrew.
How to Order AFA Healthy
Drinks/Beverages (Pricelist and Shipping)? --> http://bit.ly/PriceListAndShipment
Karagdagang impormasyon tungkol
sa AFA:
ORDER NOW! Contact
+63908-7391-784 for more details.
No comments:
Post a Comment