Friday, May 8, 2015

IWAS BUKOL SA SUSO - Breast Cancer: ANG TAMANG PAGSUSURI NG SUSO (Please share with others to save a life)



March 14, 2015: Liezl Martinez, asawa ni Albert Martinez at anak ni Amalia Fuentes, ay pumanaw sa edad 47 dahil sa breast cancer. Nag-umpisa ang sakit ni Liezl sa breast cancer noong 2008. Kumalat ang cancer sa baga at naging Lung Cancer noong 2011.

Ang kanser sa suso ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa kababaihan. Dapat alamin ng bawat babae ang tamang pagsusuri ng kanilang suso.

Nakasalalay po ang buhay ninyo dito. Sundin ang steps na ito:

1. Habang naliligo, itaas ang kanang braso. Gamitin ang dulo ng mga daliri ng kaliwang kamay para kapain ang iyong kanang suso. Ang hinahanap natin ay ang mga cyst or mabibilog na parang holen sa ilalim ng suso. Minsan ay kasing-liit lang ng isang monggo ang makakapa. Pagkatapos ay itaas naman ang kaliwang braso at ang kaliwang suso naman ang suriin. Kung may makapa na kaduda-dudang bukol, kumonsulta sa doktor.

2. Tumayo sa harap ng salamin at ilagay ang braso sa gilid ng katawan. Pagmasdan maigi ang bawat suso kung pareho ang laki at hugis nito. Masdan ang bandang utong at paligid nito (ang nipple at areola). Suriin kung may pamumula, pangungulubot o dili kaya’y tumutulo na likido dito. Ang mga ito’y maaaring masamang senyales. Pagkatapos ay itaas at ipuwesto naman ang dalawang kamay sa likod ng iyong ulo. Ulitin ang pagmamasid sa iyong suso.

3. Ngayon naman ay humiga sa isang patag na kama. Itaas ang kanang braso at ilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo.

4. Gamitin ang kaliwang kamay para salatin ang kanang suso. Mula sa gilid ng suso ay gamitin ang mga daliri para diinan ng paikot-ikot ang suso. Magumpisa sa utong at unti-unting bumilog ng palaki ng palaki. Huwag kalimutan: kapain ang kili-kili. Kung may kanser sa suso, kalimitan ay may bukol din na makakapa sa kili-kili. Ito’y mga kulani (lymph nodes). Pagkatapos ay gawin naman sa kabilang suso.

Ang pagsusuri ng suso ay dapat gawin bawat buwan, kung puwede ay bago magregla at pagkatapos ng regla. Minsan kasi ay may mga parang bukol na nakakapa bago mag-regla (dahil sa hormones natin) at nawawala naman pagka-regla. Magpatingin sa doktor (surgeon) kung may nakapang bukol.

These are just general health advisories for the public. Thank you for reading. God Bless!

REKOMENDASYON: Upang maka-iwas tayo sa mga FREE RADICALS na nagdudulot ng CHRONIC DISEASES katulad ng BREAST CANCER, makakatulong upang maprotektahan ang ating katawan sa mga iba't ibang sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng AFA-VitaLeaf (2 times a day) at regular na pag-inom nito. 

Subukan ang magandang epekto ng AFA sa kalusugan natin.

Mag-send ng message kung paano ka makaka-order ng AFA-VitaLife at AFA-VitaLeaf.

How to Order AFA Healthy Drinks/Beverages (Pricelist and Shipping)? --> http://bit.ly/PriceListAndShipment

Karagdagang impormasyon tungkol sa AFA:
The Complete Food Supplement You Need (Aphanizomenon Flos-Aquae) AFA --> http://bit.ly/AFASuperFood

ORDER NOW! Contact +63908-7391-784 for more details.

No comments:

Post a Comment